Thursday, October 8, 2009

Atin ang kayamanan iba ang yumayaman.




















ALam ng mga nakakarami na hindi masama ang pag-unlad ng isang likas na yaman. Ngunit ito'y nakakabahala kung ang iyong pagmamay-ari ay iba ang gagamit. Katulad nalamang ng mga likas na yaman ng ating Bansa, tulad ng mga talon. Dati rati kahit sino pwedeng makinabang rito ngunit ng ito'y baguhin at pinaganda magugulat na lamang tayo na ang ating likas na yaman ay hindi na pinapagamit sa atin. Bagkus ito'y ginagawana nilang komersyal at pinagkakakitaan sa mga foreinger....
Ang lubos na naapektuhan nito ay iyong mga taong nakatira sa bukid ang mga katutubong namumuhay roon. Sapagkat ang mga likas na yaman ay kalimitang makikita kung saan ang mga katutubo ay naroroon. Ang mga likas na yaman o mga magagandang tanawin roon ay ginagawang lubos na kaaya-aya para sa paningin ng ng mga besita na galing sa ibang bansa...Oo, tama, maganda ito sapagkat kahit ganon man lamang ay mayroon tayong maipagmamayabang.
Kaso ang nangyayari ngayon ang MGA KATUTUBONG TAGA ROON NOON AY HINDI NA PINAPAGAMIT BAGKUS ITO'Y PARA LANG DAW SA MGA FOREINGER"
Nasaan na ang hustisya!!!?
Ang mga katutubong taga roon noon ay malayang makagamit, at labas pasok na walang babayaran. Ngunit ngayon ang mga taong ito ay maaari lamang makapasok kung mayroon lamang silang pera na pambayad.

No comments:

Post a Comment