Friday, October 9, 2009

May karapatang pantao nga ba ang mga Katutubo??



Saan na ba ang mga Katutubo ngayon? Karamihan sa mga katutubo ay nakaranas ng malupit at marahas na kahirapan dahil sa development agression na pumapasok sa mga teritoryo nga mga katutubo. Ang development agression na sinasabi na makatulong sa kaunlaran ng bansa ay nagdadala sa mga katutubo tungo sa pagsira ng kani-kanilang mga kultura at paniniwala. Sapagkat dahil dito unti-unting nasisira ang kanilang mga likas na yaman na nagbibgay lakas ng kanilang buhay. Ngunit dahil sa mga taong walang awang sumisira ng kanilang kayamanan o likas na yaman silay naging pangunahing grupo na nakatala na pinakamahirap na sector. Kahit ang mga katutubo ang tinaguriang pinakamayanan sa mga likas na yaman at kultura't tradisyon silay naging kaawaawa. Kung nuon ang mga katutubo ang nagmamay-ari at nangangalaga ng mga kalikasan ngayon saan na ba natin sila makikita? Paano ba natin masasabi na nagkaroon ng respeto ang mga Katutubo?. Kailan ba natin masasabi na silay nakakaranas ng sinasabi natin na karapatang pantao na gayon silay ay nakakaranas ng ibat-ibang talamak na pagyurak sa sarili nilang kultura? Masisi ba natin ang mga katutubo kung silay walang respeto at walang pagpapahalaga ng ating panggobyerno ngayon? Ang illegal logging ay naging dahilan kung bakit marami sa mga katutubo ang napaalis ng kanilang sariling lupa.Dahil sa developement agression tulad ng illigal logging naging malupit at mahirap ang buhay ng mga katutubo. Dahil dito marami sa kanila ang ating makikita sa mga hindi magagandang lugar dahil sa resulta ng illegal logging.At unti-unti naring nawawala ang kultura at paniniwala nila na nuon itoy napkasagrado sa mga katutubo. Dahil sa hindi pagrespeto at walang pagpapahalaga ng ating panggobyerno ngayon at dahil din sa mga makasariling tao naging komplikado ang buhay ng mga katutubo sa ating bansa. Ngayon nasaan na ba ang karapatang pantao? Masasabi ba natin na ang development agression ay nakapagbibigay kaunlaran ng ating bansa na gayon maraming buhay ang nasisira? Ang develpoment agression ay para lamang sa mga makasariling tao na hindi iniisip ang epekto nito sa ibang tao. Tanging ilan lamang tao ang nakapag binipisyo ngunit marami ang naaapektohan. Paano natin masasabi na ang development agression ay makatulong sa kaunlaran ng ating bansa? Sana naman bigyan nating ng kahalagahan ang buhay ng mga Katutubong grupo upang sa gayon mapaunlad nila ang kanilang kultura at hindi tuluyang mawawala ang kanilang mga paniniwala na sa likas yaman lamang ito makikita at maisasagawa.

hydroelectrict power plant

Ang hydroelectrict power plant ay malaking kabuluhan sa mga mamamayan dahil sa pamamagitan nito ay maraming mga tao ang natutulongan katulad na lamang ng ilaw sa mga sambahayan na nangangailangan nito,at iba pa. sa pagkat ang naging masamang epekto nito ay maraming mga tao ang unti-unting namamatay dahil sa ganitong development, at mga kagubatan........
kaya sa mga ganitong development ay hindi dapat sa mga kumunidad ng mga Ips/Lumad.....

ANG LUPANG SIRA-SIRA

Ang ganitong mga pangyayari ay sadiyang napakalubha na kung saan ang mga tao ay nawawalan ng tirahan, lupain na pinagtataniman at higit sa lahat yong mga lupain na minana nila sa kanilang mga ninuno. Bukod pa rito, tanging mga mahihirap lamang ang natatamaan sapagkat sila ay walang magagawa kapag sila ay nag-rereklamo o sabihin nalang natin na kapag sasabihin nila at ipinapaabot ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.. Para sa karagdagan, kung natatamaan ang mga mahihirap, mga mayayaman naman ang nakikinabang atpatuloy pa rin silang yumaman...

Para sa akin,,, kung ako yong tatanungin na kung sino ang may kasalanan,,, siyempre yong dalawang panig, yong mga taong may lupa na ipinamimigay ito at ang gobyerno o yong mga mayayaman na walang hinangad kundi mas yumaman pa sila...




SA NANGYARING SAKUNA HINDI PA BA TAYO MADALA?

sa aking naobserbahan naniningil na ngayon ang kalikasan dahil matagal na rin nyang pinipigilan ang matinding galit dahil sa ating mga kapabayaan.marami ngayon ang umaangal dahil hindi na nila makayanan ang pagsusungit ng panahon ayon sa kanila napakahirap na ngayon ng kanilang pinagdadaanan. ngunit sana matagal na natin itong napag isipan sana hindi tayo naging pabaya tulad nalang ng pagtatapon ng basura sa kung saan saan na lamang sa maling paglagay ng mga proyektong pangkaunlaran sa kung saan saan na lamang. sana ito ang itataguyod ng ating pamahalaan na higit kanino man mahalagang pagtuonan din natin ng pansin ang mga posebling mangyayari kung abusuhin natin ang kalikasan. sana sa nangyaring sakuna lahat tayo madala .at tigilan na natin ang pagpapabaya.

Thursday, October 8, 2009

MAY PAG ASA PA BANG MAKAAHON ANG MGA KAPAT ID NATING NAA PEKTUHAN SA GUMUHONG KALIKASAN?


sa mga nangyayari sa kasalukuyan ano ba ang naghihintay na kinabukasan sa ating mga kapatid na nasira ang buhay dahil sa pagguho ng ating inang kalikasan. sana ang pangyayaring ito ay syang magpapamulat sa ating mga pusot isipan na kailangan nating ingatan at pangalagaan ang ating kalikasan. hindi malayong makabangon pa ang ang mga kapatid nating naapektuhan kung tayoy magtulongan sa pag ayos atpangangalaga sa ating nasirang kalikasan.tama na ang pagsasamantala dahil sa bandang huli tayo din ang kawawa.

Makakaahon pa ba ang mga kapatid nating naapektuhan sa pagguho ng kalikasan?























INDUSTRIYALISASYON TOTOO BANG SA KAHIRAPAN TAYOY INAAHON?

hindi natin maitatanggi ang katotohanan na dahil sa indstriya umunlad ang iba nating mga kababayan. ngunit kaakibat din nito ay ang kahirapan sa mga taong sa industriya nasasagasaan. halimbawa na lamang sa ating mga kababayan na nawalan ng tirahan. sa mga nangyayaring sakuna ngayon ngayon malaki din ang naiambag ng industriyalisasyon sapagkat saklaw nito ang ibat ibang uri ng mga negosyo o mga pagawaan na syang malaking dahilan ng pagguho ng ating kalikasan.kaya sana mamulat na tayo sa katotohanan at huwag tayong tumutok lamang sa kaunlaran kundi alalahanin din natin ang kapakanan ng bawat mamayan.

MAKABAGONG TEKNOLOHIYA NAKAKATULONG NGA BA?

sa ating bayan ngayon kahit saan ka magpunta mga maakabagong teknolohiya kitang kita mo na tulad na lang ng mga cellphone computer at mga makinarya. na tumutulong magpabilis sa ating mhga ginagawa. lahat ng ito tao ang may gawa. subalit sa ngayon teknolohiya na ang siyang makapangyarihan at ang mga tao ay nagiging alipin na lamang. kailan kaya tayo magigising sa katotohanan? na sa ating mga nilikha tayoy naging sunud sunuran na lamang halimbawa nalang sa ating mga paaralan halos lahat ng proyekto ay nakasalalay na lamang sa mga makabagong paraan paana kung isang araw tayoy magigising na lamang na ang lakas at talino ng tao ay hindi na mapapakinabangan. at kung mayron man ito ay iilan na lamang sapagkat sa teknolohiya tayoy umaasa na lamang. sana ay maipasok natin sa ating mga isipan na hindi lahat ng teknolohiya ay makakatulong upang lumago ang ating katauhan bagkos nagdudulot lamang ito ng katamaran sabi nga nila sa tulong ng teknolohiya ngayon lahat ay madali pati buhay ng tao minamadali.

MILITARISASYON ISANG MUKHA NG DEVELOPMENT AGRESSION

isa sa mahalagang sinumpaan ng mga kawal ng bayan ay ang pangakong alagaan at protektahan ang mga mamayan subalit ito ay malaking kabaliktaran sa tunay na nangyayari ngayon sa ating bayan sapagkat marami sa ating mga kawal ay nagagamit o napapasailalim sa mga may kapangyarihan at sa tuwing may proyekto ang gobyerno na imaayawan ng taong bayan sila ang ginagamit na pananggalang upang ito ay maisakatuparan. ito ang masaklap na katotohanang nagdudulot ng masamang epekto sa ating sambayanan. at tanging isinsigaw na lamang aming mga kawal nasan na ang pangakong sinumpaan ito bay nanatili pa ba sa inyong mga isipan o tuluyan ng nakakalimutan.o dahil ba sa kansing ng pera kamiy mahirap ng pakinggan? ito ang mga katanungang gumugulo ngayon sa aking isipan.

Atin ang kayamanan iba ang yumayaman.




















ALam ng mga nakakarami na hindi masama ang pag-unlad ng isang likas na yaman. Ngunit ito'y nakakabahala kung ang iyong pagmamay-ari ay iba ang gagamit. Katulad nalamang ng mga likas na yaman ng ating Bansa, tulad ng mga talon. Dati rati kahit sino pwedeng makinabang rito ngunit ng ito'y baguhin at pinaganda magugulat na lamang tayo na ang ating likas na yaman ay hindi na pinapagamit sa atin. Bagkus ito'y ginagawana nilang komersyal at pinagkakakitaan sa mga foreinger....
Ang lubos na naapektuhan nito ay iyong mga taong nakatira sa bukid ang mga katutubong namumuhay roon. Sapagkat ang mga likas na yaman ay kalimitang makikita kung saan ang mga katutubo ay naroroon. Ang mga likas na yaman o mga magagandang tanawin roon ay ginagawang lubos na kaaya-aya para sa paningin ng ng mga besita na galing sa ibang bansa...Oo, tama, maganda ito sapagkat kahit ganon man lamang ay mayroon tayong maipagmamayabang.
Kaso ang nangyayari ngayon ang MGA KATUTUBONG TAGA ROON NOON AY HINDI NA PINAPAGAMIT BAGKUS ITO'Y PARA LANG DAW SA MGA FOREINGER"
Nasaan na ang hustisya!!!?
Ang mga katutubong taga roon noon ay malayang makagamit, at labas pasok na walang babayaran. Ngunit ngayon ang mga taong ito ay maaari lamang makapasok kung mayroon lamang silang pera na pambayad.

PLANTASYON DAHILAN NG POLUSYON

MARAMI SA ATING MGA KABABAYAN ANG NASISIYAHAN SA KAUNLARANG DULOT NG NG MGA PLANTASYON NA MATATAGPUAN SA IBAT IBANG PANIG NG ATING BAYAN. SUBALIT MARAMI RIN ANG NAAPEKTUHAN SA POLUSYONG IDININUDULOT NITO SA ATING KALIKASAN NA SIYANG SUMISIRA SA KALUSUGAN NG BAWAT MAMAYAN .ANG TANONG KAILAN NATIN ITO TITIGILAN ANG MALING GAWAIN KAILAN NATIN WAKASAN? SADYA NABANG KALIGAYAHAN NA NG TAO ANG SUMIRA SA KANNYANG KAPALIGIRAN?

Pagmata!!tan-awa,paminawa ang hagit sa Kina-iyahan..



Sa mga nahitabo karon, daku na kaayo ug kabag-uhan- kabag-uhan nga nahimong kaalautan sa mga tawo nga anaa nahimutang sa ilang teretoryo. Sa mga nagkalahi- lahing kaala-utan sa atong katilingban. Unsaon naman ang panultion sa mga minoridad nga
" Ang kina-iyahan maoy kinabuhi".
Aduna pa bay katumanan niini? Matud pa lagi,"

Kinahanglanun sa nasud + Kinahanglanun sa goberno= Kaalautan sa mga minoridad".
Kay tuod man dili nato ikalimod nga kasagaran kinahanglanun sa nasud ug goberno ana makita sa lumadnong teretoryo.
Unsa namay mamahimong epekto niini?Aduna pa bay makipaglimbasug aron lamang mapadayon ang giprotektahan sa atong mga katigulangan?Sa mga mosunod pa nga henerasyon, aduna pa bay insaktong kalasangan, mga katubigan, kahayupan ug uban pang anaa sa kina-iyahan nga kinahanglan nilang maabtan, kung magpadayon ang sukwahi nga buhat sa maong katilingban?
Sa mga kalasangan! Aduna pa bay kagawasan sa mga pagpangdaot? basin moabot nalang ang panahon nga nag-atubang nakita sa balos sa kina-iyahan.Sa mga kulturanhong minoridad, aduna pa bay kagawasan kung magpadayun ang pagpangdaot sa ilang puluy-anan? Aha naman sila mangayo ug tabang kung mismo ang gatabang maoy magduot sa kaalaot.
BUSA, PAGMATA!! ug ayaw pagpabiling buta sa mga gakakita mga maoy muduot sa kaala-utan ug kawagtangan sa atong kina-iyahan....

Mga Pabrika Malas ang Dala

Isa sa pinagkukunan ng pamahalaan ng malaking pundo sa kaban ng bayan ay ang pabrika, sapagkat di umano malaking buwis ang binabayad ng mga pagawaan. Ngunit kung gaano kalaki ang naitutulong nito sa pamahalaan duble-doble din ang dalang malas nito sa ating kalikasan. Sapagkat hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga usok na nagmumula sa mga pagawaan ay nagdudulot ng pulosyon na siyang dahilan ng pagkasira ng ating kapaligiran.

ITO BA ANG KAUNLARAN PARA SA KANILA?

Mao ba kini ang kauswagon nga gina ingon nila?
kung atong tan-awun ang atung kahimtang karun
dili na jud maayo ang nanga hitabo,
grabi ang mga kadaot nga dala sa atung mga kaigsoonang naa sa puwesto.
Dili nila mabati ang kasakit ug kadaot nga dala sa mga development agression,
sama sa mining logging ug uban pa nga abi nila maka ayo sa atoang nasud.
tungod sila naa sa maayong pamuyo, pero unsaon na lng ang mga kabus
nga ilang panginabuhi nakadepende lng sa mga pananom sa mga bukid
hilabi na sa mga lumadnong katawhan nga mao ang na apektohan ug maayo
kay ang ilang pamuyo sa bukid kai gitugtan sa mga "GOBYERNO!nga ipa logging
arun daw para sa kalambuan sa nasud.Wala nila gitan-aw ang epekto niini
PAG-MATA!!

Diskrimenasyon


Diskreminasyon ang isa sa mga dahilan kung bakit may hindi pagkakaunawaan sa ating bayan. Bakit laging may panlalait sa mga katutubo kapag sila ay makapunta sa bayan? dahilan ba ang lugar na pinanggalingan para tayo ay husgahan na walang alam?mga kaibigan huwag na nating hintayin na may mawasak na mga pangarap ng dahil lang sa mga walang kwentang bagay na makakasira sa ating pagkakaibigan. Itigil na ang diskrimenasyon para sa ating mga kababayang katutubo para tayo ay lumago at gulo ay maiwasan.

DAM BA AY DAAN TUNGO SA KAUNLARAN?

















DAM! Marami ngang naka binipisyo ngunit mas marami namang buhay ang nasakripisyo.
Sabi nila ang DAM ay isa sa mga daan tungo sa kaunlaran. Ngunit sa ngayon kitang-kita ang ibidensiya at katutuhanan na ito ay nagtutulak sa mga mamamayan tungo sa kapahamakan.Ang masaklap, marami parin ang nagbubulagbulagan sa katutuhanang sila ang dahilan kung bakit marami ngayon ang nahihirapan at maraming kabataan ang nawalan ng maliwanag na kinabukasan.ang tanong may pag asa pa bang makabangon ang ating bayan sa sakunang tayo ang gumawa kaya ba nating pakiharapan ang ganti ng kalikasan? magbago lang ba tayo kung lulubog na ang ating mundo?

Tuesday, October 6, 2009

Mining! Para sa kaunlaran ba? o sa karahasan?


















Ito ba ang sinasabi nilang kaunlaran? Maituturing Bang kaunlaran ang pagkasira sa mga likas nayaman, ang pahirapan ang iba, dahil sa pansariling enterest lamang, Hai ang tao nga naman?.
Hindi man lang nila inalintana kung ano ang maaaring kalalabasan ng
pagmimina at kung sinu sino ang mga taong maaapektuhan nito.
Oo, tama nga't ito'y nakatutulong upang ang bayan ay lumago dahil sa mga salaping makukuha rito. Ngunit paano naman ang mga taong napektuhan nito siguro'y nga mas malaki pa ang pagsasaayos ng mga nasira ng mga ito kaysa sa perang kanilang makukuha rito. Hindi ba alam ng gobyerno kung ano ang resulta ng pag mimina. Sa tingin ko'y alam nila ito, na maraming tao ang lubos nanaghihirap dahil karahasan ng pagmimina.

Tingnan ninyo ang nangyayari sa Surigao marami ang naapektuhan sanhi ng pagmimina.Ang lubos na naapektuhan nito ay ang mga katutubong nakatira sa bunok na pinag minahan ang mga Mamanwa marami sa kanila ang nawalan ng tirahan at kung saan-saan nalang sila tumira, palaboy-laboy nalamang ,namamalimos at kinukutya.Na saan na ang kanilang lupang simulat-simula pay ito na ang kanilang kinagisnan at dito na sila namumuhay.

At tuwing may kakaunting ulan lamang ang kanilang lugar ay biglaang babaha daig pa ang binagyo ng bagyong Pepeng! At dahil rin sa mga kimikal na dala ng mga ito. Maraming mga tao ang nagkakasakit na hindi matukoy kung anong sakit ito.
Mga BULAG BA Kayo!!!!!
TIGILAN NA NATIN ANG PAGMIMINA na sanhi ng pag kawala ng mga magagandang tanawin tulad ng kabundukan at mga kagubatan.
ITIGIL ANG MINING PARA SA KALIKASAN AT KALUSUGAN NG MGA MAMAMAYANG PILIPINO.