Friday, October 9, 2009

May karapatang pantao nga ba ang mga Katutubo??



Saan na ba ang mga Katutubo ngayon? Karamihan sa mga katutubo ay nakaranas ng malupit at marahas na kahirapan dahil sa development agression na pumapasok sa mga teritoryo nga mga katutubo. Ang development agression na sinasabi na makatulong sa kaunlaran ng bansa ay nagdadala sa mga katutubo tungo sa pagsira ng kani-kanilang mga kultura at paniniwala. Sapagkat dahil dito unti-unting nasisira ang kanilang mga likas na yaman na nagbibgay lakas ng kanilang buhay. Ngunit dahil sa mga taong walang awang sumisira ng kanilang kayamanan o likas na yaman silay naging pangunahing grupo na nakatala na pinakamahirap na sector. Kahit ang mga katutubo ang tinaguriang pinakamayanan sa mga likas na yaman at kultura't tradisyon silay naging kaawaawa. Kung nuon ang mga katutubo ang nagmamay-ari at nangangalaga ng mga kalikasan ngayon saan na ba natin sila makikita? Paano ba natin masasabi na nagkaroon ng respeto ang mga Katutubo?. Kailan ba natin masasabi na silay nakakaranas ng sinasabi natin na karapatang pantao na gayon silay ay nakakaranas ng ibat-ibang talamak na pagyurak sa sarili nilang kultura? Masisi ba natin ang mga katutubo kung silay walang respeto at walang pagpapahalaga ng ating panggobyerno ngayon? Ang illegal logging ay naging dahilan kung bakit marami sa mga katutubo ang napaalis ng kanilang sariling lupa.Dahil sa developement agression tulad ng illigal logging naging malupit at mahirap ang buhay ng mga katutubo. Dahil dito marami sa kanila ang ating makikita sa mga hindi magagandang lugar dahil sa resulta ng illegal logging.At unti-unti naring nawawala ang kultura at paniniwala nila na nuon itoy napkasagrado sa mga katutubo. Dahil sa hindi pagrespeto at walang pagpapahalaga ng ating panggobyerno ngayon at dahil din sa mga makasariling tao naging komplikado ang buhay ng mga katutubo sa ating bansa. Ngayon nasaan na ba ang karapatang pantao? Masasabi ba natin na ang development agression ay nakapagbibigay kaunlaran ng ating bansa na gayon maraming buhay ang nasisira? Ang develpoment agression ay para lamang sa mga makasariling tao na hindi iniisip ang epekto nito sa ibang tao. Tanging ilan lamang tao ang nakapag binipisyo ngunit marami ang naaapektohan. Paano natin masasabi na ang development agression ay makatulong sa kaunlaran ng ating bansa? Sana naman bigyan nating ng kahalagahan ang buhay ng mga Katutubong grupo upang sa gayon mapaunlad nila ang kanilang kultura at hindi tuluyang mawawala ang kanilang mga paniniwala na sa likas yaman lamang ito makikita at maisasagawa.

hydroelectrict power plant

Ang hydroelectrict power plant ay malaking kabuluhan sa mga mamamayan dahil sa pamamagitan nito ay maraming mga tao ang natutulongan katulad na lamang ng ilaw sa mga sambahayan na nangangailangan nito,at iba pa. sa pagkat ang naging masamang epekto nito ay maraming mga tao ang unti-unting namamatay dahil sa ganitong development, at mga kagubatan........
kaya sa mga ganitong development ay hindi dapat sa mga kumunidad ng mga Ips/Lumad.....

ANG LUPANG SIRA-SIRA

Ang ganitong mga pangyayari ay sadiyang napakalubha na kung saan ang mga tao ay nawawalan ng tirahan, lupain na pinagtataniman at higit sa lahat yong mga lupain na minana nila sa kanilang mga ninuno. Bukod pa rito, tanging mga mahihirap lamang ang natatamaan sapagkat sila ay walang magagawa kapag sila ay nag-rereklamo o sabihin nalang natin na kapag sasabihin nila at ipinapaabot ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.. Para sa karagdagan, kung natatamaan ang mga mahihirap, mga mayayaman naman ang nakikinabang atpatuloy pa rin silang yumaman...

Para sa akin,,, kung ako yong tatanungin na kung sino ang may kasalanan,,, siyempre yong dalawang panig, yong mga taong may lupa na ipinamimigay ito at ang gobyerno o yong mga mayayaman na walang hinangad kundi mas yumaman pa sila...




SA NANGYARING SAKUNA HINDI PA BA TAYO MADALA?

sa aking naobserbahan naniningil na ngayon ang kalikasan dahil matagal na rin nyang pinipigilan ang matinding galit dahil sa ating mga kapabayaan.marami ngayon ang umaangal dahil hindi na nila makayanan ang pagsusungit ng panahon ayon sa kanila napakahirap na ngayon ng kanilang pinagdadaanan. ngunit sana matagal na natin itong napag isipan sana hindi tayo naging pabaya tulad nalang ng pagtatapon ng basura sa kung saan saan na lamang sa maling paglagay ng mga proyektong pangkaunlaran sa kung saan saan na lamang. sana ito ang itataguyod ng ating pamahalaan na higit kanino man mahalagang pagtuonan din natin ng pansin ang mga posebling mangyayari kung abusuhin natin ang kalikasan. sana sa nangyaring sakuna lahat tayo madala .at tigilan na natin ang pagpapabaya.

Thursday, October 8, 2009

MAY PAG ASA PA BANG MAKAAHON ANG MGA KAPAT ID NATING NAA PEKTUHAN SA GUMUHONG KALIKASAN?


sa mga nangyayari sa kasalukuyan ano ba ang naghihintay na kinabukasan sa ating mga kapatid na nasira ang buhay dahil sa pagguho ng ating inang kalikasan. sana ang pangyayaring ito ay syang magpapamulat sa ating mga pusot isipan na kailangan nating ingatan at pangalagaan ang ating kalikasan. hindi malayong makabangon pa ang ang mga kapatid nating naapektuhan kung tayoy magtulongan sa pag ayos atpangangalaga sa ating nasirang kalikasan.tama na ang pagsasamantala dahil sa bandang huli tayo din ang kawawa.

Makakaahon pa ba ang mga kapatid nating naapektuhan sa pagguho ng kalikasan?























INDUSTRIYALISASYON TOTOO BANG SA KAHIRAPAN TAYOY INAAHON?

hindi natin maitatanggi ang katotohanan na dahil sa indstriya umunlad ang iba nating mga kababayan. ngunit kaakibat din nito ay ang kahirapan sa mga taong sa industriya nasasagasaan. halimbawa na lamang sa ating mga kababayan na nawalan ng tirahan. sa mga nangyayaring sakuna ngayon ngayon malaki din ang naiambag ng industriyalisasyon sapagkat saklaw nito ang ibat ibang uri ng mga negosyo o mga pagawaan na syang malaking dahilan ng pagguho ng ating kalikasan.kaya sana mamulat na tayo sa katotohanan at huwag tayong tumutok lamang sa kaunlaran kundi alalahanin din natin ang kapakanan ng bawat mamayan.